lagos copy

Sasabak ngayon si one-time world title challenger Mercito Gesta ng Pilipinas laban kay Gilberto Gonzalez ng Mexico samantalang hahamunin ni Pinoy boxer Eugene Lagos si Mexican WBO No. 1 super bantamweight contender Cesar Juarez sa magkahiwalay na sagupaan ngayon sa United States at Mexico.

Tumimbang si Gesta na 133.6 pounds samantalang 134.2 pounds si Gonzalez sa kanilang 10-round lightweight bout sa sa Cosmopolitan of Las Vegas, Las Vegas Nevada sa US.

Dating interim WBC Youth lightweight champion si Gonzalez samantalang mahigit isang taong hindi nagboksing si Gesta na nagsanay sa ilalim ng Amerikanong si Hall of Famer Freddie Roach.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

May record si Gesta na 29-1-2 win-loss-draw na may 18 pagwawagi sa knockout samantalang ang knockout artist na si Gonzalez ay may kartadang 26-3-0 win-loss-draw na may 22 panalo sa knockouts.

Sa main event sa Municipal Auditorium sa Tijuana, Baja California, Mexico, kapwa tumimbang sina Juarez at Lagos sa 122 pounds at nakataya ang mataas na WBO rankings ng Mexican.

“I am risking my ranking as the world number one because I want to offer the public a great show and force the world champion, Jesse Magdaleno, to give me the opportunity,” sabi ni Jaurez sa BoxingScene.com matapos ang official weigh-in.

“I had a great fight against Nonito Donaire, I took the undefeated Albert Pagara and now this ‘Rambo’ Lagos is a very tough opponent, very complicated, have never laid him down and has a style of great technique and speed, but we are ready for whatever comes.”

May rekord si Juarez na 19-5-0 win-loss-draw na may 14 pagwawagi sa knockout samantalang si Lagos ay may kartadang 11-3-2 win-loss-draw na may 7 panalo sa knockouts. (Gilbert Espeña)