Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Pasay City at Makati City para sa gaganaping 30th ASEAN Summit sa Abril 26-29.
Sa nasabing petsa, magpapatupad ng rerouting scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at kabilang sa pansamantalang isasara sa motorista ang Senator W. Diokno Boulevard, Jalandoni, Bukaneg, V. Sotto, Dela Rama, Makati Avenue, at Pasay Road.
Dahil dito, ayon sa MMDA, asahan nang mas sisikip ang trapiko sa mga nabanggit na lansangan na malapit sa pagdarausan ng summit.
Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na kalsada at gumamit ng mga alternatibong ruta patungo sa kani-kanilang destinasyon. (Bella Gamotea)