Pia at Marlon copy

VINDICATED ang ilang kasamahan namin sa trabaho na binara-bara ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa isang event nu’ng hingan siya ng komento tungkol sa mga anak ng kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Ang tigas ng pagtanggi ni Pia at kinuwestiyon pa niya kung sigurado ba ang mga katoto sa information nila o kung ang binabanggit nilang Marlon at boyfriend niya ay iisa.

Matatandaan na ang balik-tanong ni Pia sa mga katoto, “Are you sure it’s the same Marlon? There’s a lot of Marlon. I don’t know anything about that.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero heto na, inilabas ng PEP kahapon na totoong may kambal na anak na babae si Marlon sa dating modelong si Kit Barraquias. Ngayon ay seven years old na ang mga bata.

Kuwento ni Kit kay Arniel Serrato ng PEP, “He’s the biological dad. I don’t wanna say he’s the dad, just the biological dad. And that’s it. We haven’t had any communication. He hasn’t seen the girls ever.”

Dati raw ay nagsabi si Marlon na gusto nitong makita ang mga bata, pero biglang umurong dahil may aasikasuhin daw.

Nagsimula ang relasyon nila noong 27 years old si Kit at disiotso anyos naman si Marlon.

“I’m older by 9 or 10, I think,” ani Kit. “And that’s the reason. I don’t wanna be the one to ruin his racing career.”

Nabanggit pa na isinama raw ni Marlon si Kit sa Zurich, Switzerland para ipakilala sa lola nito.

Apat na buwang buntis daw si Kit nang maghiwalay sila ni Marlon.

“I was working then, I can handle myself. I don’t take it anything against him.”

Sa ngayon ay walang sustenong natatanggap si Kit buhat kay Marlon para sa mga bata.

Hindi naman itinanggi ng dating modelo na dati silang okay ng mommy ni Marlon pero nawalan na ng komunikasyon at nagbigay din ng tulong nu’ng isilang niya ang kambal, pero hindi raw naging sapat iyon.

Samantala, nag-check kami sa FB account ni Kit. Nakita namin ang profile picture niya na kasama ang mama niya at ang kambal na noo’y mga bata pa. (Reggee Bonoan)