MAYROONG mas mahinang buto ang hindi aktibong kabataan kumpara sa mga physically active, ayon sa bagong pag-aaral.

Sinukat ng mga researcher sa UBC at Centre for Hip Health and Mobility, sa Vancouver Health Research Institute, ang physical activity at bone strength ng 309 na kabataan sa loob ng apat na taon na krusyal para sa lifelong at malusog na skeletal development.

“We found that teens who are less active had weaker bones, and bone strength is critical for preventing fractures,” saad ni Leigh Gabel, pangunahing awtor at PhD candidate sa orthopedics sa UBC.

Gumamit si Gabel at ang kanyang mga kasamahang imbestigador ng high resolution 3D X-ray images para ikumpara ang pagkakaiba ng kabataan na nagawa ang rekomendasyon na 60 minuto ng moderate-to-vigorous physical activity kada araw at ang kabataan na mayroon lamang 30 minuto nito kada araw.

National

Malacañang sa petisyon ni Honasan sa ICC: ‘Coordinate first with Duterte’s legal team’

Ang apat na taong window – simula edad 10 hanggang 14 para sa mga babae at 12 hanggang 16 sa mga lalaki – ay mahalagang panahon na ang 36 porsiyento ng human skeleton ay nabubuo at nagiging responsive sa mga pisikal na aktibidad.

“Kids who are sitting around are not loading their bones in ways that promote bone strength,” ani Gabel, kaya mahalaga ang mga weight-bearing activity tulad ng pagtakbo at pagtalon at pati na rin ang sports tulad ng soccer, ultimate Frisbee at basketball.

Ang bone strength ay kombinasyon ng bone size, density at microarchitecture. Bagamat ang mga lalaki ay may mas malaki at mas matibay na buto sa buong pag-aaral, parehong tumugon ang mga babae at lalaki sa physical activity.

“We need school-and community-based approaches that make it easier for children and families to be more active,” saad ng co-author na si Heather McKay, propesor ng orthopedics at family practice sa UBC at ang Centre for Hip Health and Mobility.

Ang magandang balita, hindi na kailangan ang aktibidad na maging structured o organized para maging epektibo:

nakatutulong din ang maiikling aktibidad tulad ng pagsasayaw sa tahanan, paglalaro sa parke, at pakikipaghabulan sa iyong aso at skipping count.

Maaaring sumuporta ang mga magulang at caregiver ng healthy choices sa pagiging role model at pagbibigay ng limitasyon sa screen time.

“The bottom line is that children and youth need to step away from their screens and move to build the foundation for lifelong bone health,” ani McKay. (Medical News Today)