DeAndre Jordan,John Wall

NBA scoring mark sa triple-double kay Westbrook; Warriors best team.

ORLANDO, Florida (AP) — Naitala ni Russell Westbrook ang ika-38 triple double ngayong season sa makasaysayang pamamaraan matapos umiskor ng 57 puntos – pinakamadami sa kasaysayan ng triple-double sa NBA -- 13 rebound at 11 assist sa 114-106 panalo ng Oklahoma City Thunder sa overtime kontra Orlando Magic nitong Miyerkyules (Huwebes sa Manila).

Pinangunahan ni Westbrook, nangunguna sa labanan para sa MVP, ang Thunder sa matikas na pagbangon mula sa 21 puntos na paghahabol sa second half, kabilang ang three-pointer sa huling 7.1 segundo para maipuwersa ang extra period.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Nag-ambag si Enes Kanter ng 17 puntos at 10 rebound mula sa bench, habang kumana si Victor Oladipo ng 13 puntos sa Thunder.

Nanguna si Evan Fournier sa Magic sa naiskor na 24 puntos.

WARRIORS 110, SPURS 98

Sa San Antonio, naghabol din ang Warriors mula sa 22 puntos na bentahe sa opening period para mapalawig ang ratsada para sa top seeding sa Wesr Conference.

Bumida si Stephen Curry sa naiskor na 29 puntos, habang kumana si Klay Thompson ng 23 puntos para sa ikasiyam na sunod na panalo ng Warriors.

Napalawig din ng Golden State ang kalamangan sa San Antonio sa 3 1/2 laro para sa best record sa liga.

Nanguna si Kawhi Leonard sa nahugot na 19 puntos, at limang assist para sa San Antonio, naputol ang winning streak sa limang laro.

BUCKS 103, CELTICS 100

Sa Boston, hataw si Giannis Antetokounmpo sa nakubrang 22 puntos at siyam na rebound para sandigan ang Milwaukee Bucks at patalsikin ang Boston Celtics sa No.1 spot sa Eastern Conference.

Tumapos si Malcolm Brogdon, nangunguna para sa Rookie of the Year award, ng 16 puntos, tampok ang anim na sunod sa huling 2:46 ng laro.

Naipanalo ng Bucks (39-36) ang ikaapat na sunod na road game at ikalima sa huling anim na laro. Balik ang Boston (48-27) sa No.2 sa likod ng Cleveland.

HEAT 105, KNICKS 88

Sa New York, ratsada si Goran Dragic sa naiskor na 20 puntos, siyam na assist at pitong rebound, sa panalo ng Miami Heat kontra Knicks.

Nag-ambag si reserve James Johnson ng 18 puntos, habang kumabig si Josh Richardson ng 17 puntos sa Miami (37-38).

Nanguna si Kristaps Porzingis sa Knicks na may 20 puntos at walong rebound para sa Knicks, nasibak sa postseason sa ikaapat na sunod na season mula nang pagwagihan ang Atlantic Division noong 2012-13.

Sa iba pang laro, nalusutan ng Charlotte Hornets ang Toronto Raptors, 110-106; dinagit ng Atlant Hawks ang Philadelphia Sixers, 99-92; naungusan ng New Orleans Pelicans ang Dallas Mavericks, 121-118; nilapa ng Memphis Grizzlies ang Indiana Pacers, 110-97; dinaig ng Los Angeles Clippers ang Washington Wizards, 133-124; pinaluhod ng Utah Jazz ang Sacramento Kings, 112-82.