Vina copy copy

PORMAL nang nag-file si Vina Morales nitong nakaraang Marso 13 ng Unjust Vexation and for the crime of Libel under Section 6 of Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Quezon City Hall of Justice kasama si Atty. Lucille Sering laban sa TV host/model na si Avi Siwa (dating host ng programang Out ng GMA-7) na ex-girlfriend ng boyfriend niyang si Marc Lambert.

May isang anak na babae sina Avi at Marc, isang French businessman na maraming negosyo sa ibang bansa.

Diumano’y siniraan ni Avi sa social media si Vina.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa posts ni Avi, inakusahan nito si Vina na inilalayo ang ex-boyfriend dito. Nabanggit din nito na kulang ang buwanang sustento na P28,000 ng ex-boyfriend sa anak nila.

Kung anu-anong paninira ang sinabi ng una sa social media, pati na sa kinakain ng singer/actress na tuyo at daing kasi probinsiyana raw.

Tumahimik lang si Vina dahil ayaw niyang pumatol, na palagi niyang sinasabi noon pa kapag hinihingan namin siya ng komento tungkol dito.

Pero may hangganan din pala ang lahat. Sumabog na si Vina nang maglabas si Avi ng dokumento na nagsampa ito ng kaso laban sa singer/actress sa Taguig City Fiscal’s Office at may hearing na raw sila nitong nakaraang Pebrero 14, bagay na ipinagtaka ng singer/actress dahil wala naman siyang natanggap na subpoena.

Ginawang ebidensiya ni Vina ang lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) na kopya ng demanda ni Avi sa kanya.

Nag-alala ang buong pamilya at mga kaibigan ni Vina sa naturang demanda sa kanya. Nakakaapekto rin ito sa career ng singer/actress na bread and butter niya bilang single parent ng anak niyang si Ceana.

Dalawang pulis ang kasama ng staff ng Hall of Justice na naghain ng subpoena kay Avi sa bahay nito sa Barangay Gulod Novaliches, Quezon City noong Marso 21 na siya mismo ang tumanggap at magkakaroon na sila ng hearing sa Abril 25.

(REGGEE BONOAN)