Great American Songbook Event Honoring Bryan Lourd - Inside

IPINAGDIRIWANG ni Reese Witherspoon ang ikaanim na wedding anniversary nila ng asawang si Jim Toth, at ginamit ng Big Little Lies star ang Twitter para ibahagi ang kanyang pagmamahal at pagpapahalaga rito.

“(Six) 6 years ago I was lucky enough to marry this wonderful man,” saad sa caption ng Oscar winner sa larawan nila ng asawa.

“He makes me laugh daily & supports me in all I do,” patuloy niya. “Happy anniversary, JT!”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagsimula ang relasyon ng aktres kay Toth, talent agent sa Creative Artists Agency na kinabibilangan ni Reese, noong unang bahagi ng 2010, at naging engaged noong Disyembre nang taon ding nito.

Nagpakasal sila noong Marso 2011 sa isang seremonya sa Ojai, California. Nagkaroon sila ng unang anak na si Tennessee noong Setyembre 2012.

Mayroon pang dalawang anak si Witherspoon, si Deacon, 13, at si Ava, 17, mula sa kanyang dating asawa na si Ryan Philippe, na nakahiwalayan niya noong 2007.

Kamakailan, ipinagdiwang din ng Wild star ang kanyang ika-41 kaarawan at inilaan ang kanyang natatanging araw sa kanyang mga anak. Ibinahagi niya sa Instagram ang sweet na larawan nila ni Deacon at ng kanyang anak na si Ava na kamukhang-kamukha niya. (Entertainment Tonight)