Ni REGGEE BONOAN

Shaina Magdayao
Shaina Magdayao
NAPAKARAMING boto sa pag-iibigan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Puro positibo ang reaksiyon sa sinulat namin kahapon na inamin na ni Piolo na mahal niya ang dalaga at may mutual understanding na sila nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Biyernes.

Ayon sa supporters ng aktor, “Finally kayo na ni Shaina, bagay kayo Papa P.”  “Push na ‘yan para tapos na ang paghahanap.” “Piolo, ‘wag mong sasaktan si Shaina, magagalit kami.”

Mula sa kampo naman ng isa sa mga bida ng The Better Half teleserye, “Wow, ang tindi mo idol, si Papa P pa, love it.” “Bagay na bagay kayo, maganda magiging anak ninyo.”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Susme, anak kaagad?

“Go, go, Shaina, support ka namin, sana forever na, sana kayo na, bagay kayo ng ‘better half’ mo.”

Actually, kung si Piolo ang tatanungin ay handa na siya sa anumang mangyayari sa buhay niya. Sabi nga niya kay Kuya Boy, kapag nawala siya sa showbiz ay hindi naman na siya kakabahan dahil financially stable na siya, pati pamilya niya lalo’t hindi naman siya maluhong tao.

Magkapareho sila ni Shaina na bata pa lang ay naka-invest na ang lahat ng kinita sa tulong ng kanyang Mommy Deanne. Kaya maraming negosyo ang dalaga at nasa pangalan niya ang mga ito, kabilang na ang Ystilo Salon at mga paupahang apartment. Sa pagkakaalam namin, kasalukuyan siyang nagpapagawa ng sarili niyang bahay kaya sa Ate Vina Morales muna siya pansamantalang tumutuloy.

E, kaso may kasabihan na strike when the iron is hot, kaya habang may mga project pa na ibinibigay sa kanila ay todo kayod silang dalawa.

Parehong masipag at masinop sa kinikita sina Papa P at Shaina, kaya bagay na bagay talaga sila.

Pero bata pa naman si Shaina, na kung hindi kami nagkakamali ay 26 years old pa lang.

At kailangan pa nilang tapusin ang movie project nila under Direk Lav Diaz.