Itinutulak ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaroon ng National ID System sa bansa para masupil ang identity theft.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Martini Cruz, sa pamamagitan ng National ID System ay kaagad na makikilala ang isang indibiduwal at matugugunan ang dumaraming nabibiktima ng identity theft sa Internet.

Pinaalalahahan ni Cruz ang mamamayan na maghinay-hinay sa paglalahad ng kanilang pagkakakilanlan sa Internet, partikular sa social media. - Beth Camia

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang