LONDON (AFP, AP) – Libu-libong pro-EU ang nagmartsa sa mga kalye ng London nitong Sabado para gunitain ang ika-60 anibersaryo ng samahan ilang araw bago ang nakatakdang pagsisimula ng Brexit.

Tinatayang 80,000 katao ang nakiisa sa panawagan na manatili ang Britain sa European Union, kahit na naghahanda na si Prime Minister Theresa May na simulan ang proseso ng pagkalas sa Miyerkules.

Sa Rome ginugunita ang anibersaryo ng kasunduan na nagtatag sa EU, at may 10,000 katao rin ang nagmartsa bilang suporta sa bloc. Sinabi ni EU Council President Donald Tusk sa special summit na ang pagkakaisa ang natatanging paraan para mapanatiling buhay ang EU.

“Europe as a political entity will either be united, or will not be at all,” aniya sa mga lider ng EU sa parehong bulwagan sa matandang Capitoline Hill kung saan nilagdaan ang Treaty of Rome na nagtatag sa EU, noong Marso 25, 1957.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“We will act together, at different paces and intensity where necessary, while moving in the same direction,” saad sa Rome Declaration na pinirmahan ng 27 bansa.