NAKIPA~1 copy

MAINIT na tinanggap ng mga Dabawenyo ang mga bida ng Encantadia at ng inaabangang Mulawin vs. Ravena sa iba’t ibang mall show ntong March 16 at 17 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-80 Araw ng Dabaw.

Hindi naitago ang excitement ng Dabawenyo sa paglipad ng Mulawin vs. Ravena nang sumampa ang bida nitong si Dennis Trillo sa stage ng Gaisano Mall Toril noong March 16. Kasama rin ni Dennis ang kanyang Mulawin vs. Ravena co-stars na sina Dion Ignacio at Kiko Estrada. Gaya ni Dennis, tiniyak nina Dion at Kiko na memorable ang hapon na iyon para sa mall goers.

Inabangan din ng fans ang pagdating ng love team na BiGuel at DerBea sa Abreeza Mall nang hapong iyon. Tili at sigaw ang bumati sa Mulawin vs. Ravena stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali; at Derrick Monasterio at Bea Binene.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ipinamalas ng young Kapuso stars ang kanilang talent sa pagkanta at pagsayaw na ikinatuwa nang husto ng mga manonood.

Kinabukasan (March 17), nakasama naman ng Enkantadiks sa SM City Davao ang tatlo sa kanilang paboritong Encantadia stars. Jampacked ang activity center ng fans na nag-abang kina Ruru Madrid, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro. Sa rami ng taong naroroon, pati na ang second floor ng mall ay napuno ng fans na nanood ng show. Hindi naman sila nabigo dahil all-out performance ang ibinigay nina Ruru, Sanya, at Glaiza.