Britain Parliament In_Luga copy

LONDON (Reuters) – Apat na katao ang napatay at 40 iba pa ang nasugatan sa London nitong Martes matapos araruhin ng isang kotse ang mga naglalakad na tao at isang pinaghihinalaang Islamist-inspired attacker ang nanaksak ng pulis malapit sa British parliament.

Kabilang sa mga namatay, sa tinawag ng pulisya na “marauding terrorist attack,” ang salarin at ang pulis na kanyang sinaksak. Dalawa ang napatay sa mga nasagasaan ng kotse na humarurot sa Westminster Bridge bago bumangga sa barandilya sa labas ng parliament.

Kinondena ni Prime Minister Theresa May ang pag-atake na “sick and depraved”.

Human-Interest

Albay LEPT topnotcher nagbigay ng tips sa mga susunod na board exam takers!

“The location of this attack was no accident,” saad niya sa pahayag sa labas ng kanyang 10 Downing Street office kinagabihan.

Sinabi ni Mark Rowley, ang pinakamataas na counter-terrorism officer ng Britain, na nagsimula ang pag-atake sa isang humahagibis na SUV sa Westminster Bridge at nasagasaan ang mga tao at tatlong pulis.

“A car then crashed near to parliament and at least one man, armed with a knife, continued the attack and tried to enter parliament,” sabi ni Rowley.

Aniya, sinisilip ng pulisya ang anggulo ng “Islamist-related terrorism”. Kilala na rin nila suspek ngunit tumanggi munang magbigay ng detalye sa ngayon.

Hinalughog ng British police ang ilang bahay at pitong katao na ang inaresto kaugnay sa pag-atake sa labas ng Parliament.

MGA PINOY LIGTAS

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa pag-atake sa London at nasa maayos na kalagayan ang mga kababayan sa UK.

Agad na naglabas ng abiso ang Philippine Embassy sa London para sa mga Pilipino na manatiling mapagmatyag at patuloy na i-monitor ang mga security advisory.

“Our thoughts and prayers are with the victims and their loved ones whose lives have been affected by the Westminster attack,” saad sa kalatas ng Embahada kahapon.

Handa ang Embahada na umayuda sakaling may Pilipino na nadamay, tumawag lamang sa Emergency Hotline nitong +44 7802 790695. (Bella Gamotea)