Angel-Locsin copy

NAG-POST sa Instagram si Angel Locsin ng artwork kay Darna na may caption na, “Though it did not go as planned, it was still an amazing journey. Darna embodies the heart, resilience and hope of a Filipina and it was a pleasure to have played her. I now entrust the reins to the next lucky lady who will have the time of her life portraying the role. Maraming salamat.”

As of Tuesday evening, may 71,262 likes na ang post ni Angel at nakita namin ang mga pangalan nina Carla Abellana at Maja Salvador.

Ang ganda ng sinabi ni Angel na, “I now entrust he reins to the next lucky lady...” pero mukhang hindi pa matanggap ng karamihan sa fans niya na hindi na siya ang gaganap bilang Darna. Ayaw nila sa kahit sinong Kapamilya actress na mapipili ng Star Cinema na ipalit kay Angel.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Wala pa mang sinasabi ang Star Cinema kung sino ang ipapalit kay Angel, pinangungunahan na ng fans na magpa-flop ang movie at hindi susuportahan ng moviegoers.

Tiyak na ikalulungkot ito ni Angel dahil siya nga, tanggap nang hindi na siya ang magbibida, pero ang supporters niya ayaw pang tanggapin na out na siya sa pelikula. Parang kulang pa sa kanila ang binanggit na projects ng ABS-CBN at Star Cinema para sa idolo niya.

May gagawing teleserye si Angel, special guest siya sa La Luna Sangre at may magkahiwalay na pelikulang si James Reid at si Coco Martin ang leading man niya. (NITZ MIRALLES)