WALANG kapantay ang kasiyahan na nadama ng mga kabataang kalahok sa NBA Cares-Globe telecoms basketball clinics dahil mismong si PBA star LA Tenoria at NBA scoring champion at All-Stars Glen Rice ang nagbigay ng personal na kaalaman sa naturang sports camp kamakailan bilang bahagi sa pagdiriwang ng ‘Filipino Heritage Week’.
May kabuuang 40 kabataan ang nakiisa sa programa kung saan tinuruan nina Rice at Tenorio, kasama ang mga volunteers mula sa Globe at partner communities, ang mga kalahok ng basic dribbling, passing, at shooting.
Magkatuwang ang Globe at NBA Cares, ang global social responsibility program ng liga, sa misyon na mapaangat ang values at morale ng mga kabataan sa pamamagitan ng sports.
“In view of the Filipinos undying love for basketball, Globe is supporting the league’s week long celebration of Philippine culture through the NBA Filipino Heritage Week. Through this basketball clinic, we’re giving the underprivileged youth a chance not only to meet Glen Rice but also to be coached by an NBA legend. Together with NBA, we are able to create opportunities and unique experiences for Filipino kids that aims to bring out their potential,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Senior Vice President for Corporate Communications.
“Sports is a great equalizer. Working with underprivileged communities and discovering several sports-oriented and talented children encourage us that we are indeed on the right track in nation-building through grassroots sports development,” aniya.
Ang basketball clinic ay bahagi lamang sa malawakang programa ng Globe sa grassroots sports development na tinaguriang “Sports Para Sa Bayan”. Bunsod ng pagiging malapit ng Pinoy sa sports na basketball, football, at volleyball, ginagamit ito ng Globe para mahikayat ang mga kabataan na maiton ang kanilang pansin sa malusog na pamumuhay na makatutulong para makabuo ng maayos na character.