Mariah Carey and Bryan Tanaka celebrate St. Patrick's Day at Rock and Reilly's Irish Pub

IPINAGDIWANG ni Mariah Carey ang St. Patrick’s Day sa West Hollywood, California kasama ang kanyang mga mahal sa buhay nitong nakaraang Biyernes.

Suot ang berdeng leather dress na nagtatampok ng gold zippers, itim na heels, at diamond accessories, halata ang kasiyahan ni Carey kasama ang boyfriend na si Bryan Tanaka. Nakasuot naman ng itim na damit ang 33-anyos na dancer.

Base sa mga larawan ng diva sa Instagram, makikita na naging family affair ang kanilang pagdiriwang.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makikitang nag-enjoy ang pamilya sa pakikipag-usap nila sa dalawang lalaki na nakabihis bilang leprechauns. “St. Patrick’s Day fun,” ani Carey sa isa niyang post sa Instagram. “#rainbow #potofgold.”

Namataan din ang #Beautiful singer habang nakasakay sa Lamborghini. (Entertainment Tonight)