Cheryl at Liam copy copy

MASAYANG-MASAYA si Liam Payne sa piling ng kanyang girlfriend.

Ibinahagi ng One Directioner ang relasyon niya sa girlfriend na si Cheryl Cole sa cover story ng bagong issue ng Rollacoaster magazine ng UK.

“This is the thing. In a non-cliché way, it’s weird waking up every day and literally living out your dream,” saad ng 23-anyos na singer tungkol sa kanyang 33-anyos na girlfriend. “Obviously I have the most beautiful girlfriend in the world, and she’s absolutely amazing.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Unang nagkita ang dalawa noong 2008, noong 14 na taong gulang pa lamang si Payne. Nang panahong iyon, nag-audition si Payne para sa X Factor UK at judge naman ng palabas si Cole.

Pero walang namuong romansa noon sa kanila maging nang mga sumunod na taon. “She’s been my dream girl since I was younger,” pag-amin ni Payne. “She’s so ace.”

Nagpatuloy ang singer at ibinahagi kung paano nakatulong sa kanilang relasyon ang pop career ni Cole.

“She is a wonderful, wonderful person, and it’s amazing to have someone who can relate to so much of things -- someone who’s taken greater steps than me,” aniya. “Her solo career was amazing. She’s been in the industry for 14 years now.”

“We’re super happy. It’s a very personal, precious time for us,” dagdag ni Payne. “I’m still learning. I’m only 23.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkuwento si Payne tungkol sa relasyon nila ni Cole, na kamakailan ay ipinakita ang kanyang baby bump. Bagamat hindi pa opisyal na kinukumpirma ng dalawa kung sila nga ay magkakaroon ng anak, nang tanungin ng tagahanga si Payne kung siya ay masaya sa Q&A noong nakaraang taon, aniya, “The happiest I could be.”

(ET Online)