DANIEL AT KATHRYN copy

PALABAN ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa April 15 showing ng pelikulang Can’t Help Falling in Love. Gusto nilang higitan ang record ng Barcelona, ang sinusundan nitong pelikula na pinagbidahan din ng KathNiel.

Ang Barcelona ay may 166 block screenings, P5M gross sa first hour, P38M gross sa opening day, $2M international gross at P322M total gross.

Gusto ng fans na mas mataas pa sa figures ng Barcelona ang itala ng Can’t Help Falling in Love, mula sa number of block screenings, first hour gross, first day showing gross, international gross at total gross.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Napakaganda ng official trailer ng movie at teaser pa lang, marami na ang gustong manood ng buong pelikula. Mula ito sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar. (NITZ MIRALLES)