Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

3:00 n.h. -- Blackwater vs Phoenix

5:15 n.h. -- Globalport vs Alaska

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

NARESOLBA ng Alaska ang kanilang problema matapos umuwi ang naunang import na si Octavius Ellis dahil agad din silang nakakuha ng kapalit sa katauhan ni Cory Jefferson.

Dumating si Jefferson ang last pick noong 2014 NBA Draft ng San Antonio Spurs at huling naglaro sa affiliate ng koponan sa NBA D League na Austin Spurs noong Huwebes at nakapag-ensayo kahapon para sa laban ngayong hapon ng Aces kontra Globalport.

Malaking katanungan ang masasagot sa pagtutuos ng dalawang koponan ganap na 5:15 ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Commissioners Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Blackwater at Phoenix ganap na 3:00 ng hapon.

Inaasahan ni coach Alex Compton para umalalay kay Jefferson sina Jayvee Casio, Sonny Thoss,Calvin Abueva, Vic Manuel at Dondon Hontiveros.

Makakatapat naman nila sina Terrence Romeo, Stanley Pringle at ang reinforcement ng Batang Pier na si dating New Jersey Nets Sean Williams. Mauuna rito, magtatapat naman at magtatagisan ng galing sina balik import Eugene Phelps ng Fuel Masters at si dating Houston Rockets at Dallas Mavericks cager Greg Smith na inaasahang mamumuno para sa kani-kanilang koponan. (Marivic Awitan)