MULING nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Michael V nitong Miyerkules.

Present sa contract signing sina GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S.

Yalung, GMA Entertainment TV’s Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno, GMA Vice President for Business Development Department Department III Darling de Jesus-Bodegon, GMA Senior Assistant Vice President for Business Development Department II Janine Piad-Nacar, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Assistant Vice President for Drama Productions Cheryl Ching-Sy, Senior Program Managers Bang Arespacochaga and Camille Hermoso Hafezan and Michael V’s wife and manager Carolina Bunagan.

Masaya si Michael V o si Bitoy sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa kanyang home network for more than two decades.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Twenty one years na akong Kapuso. Ito talaga ‘yung bahay ko. Sinubukan kong gumawa ng project sa ibang network pero dito talaga ‘yung puso ko, hindi ko maaalis. Isa pa, masaya ako sa ganda ng relasyon ko with everyone here to the point na parang hindi na boss ‘yung turing ko sa kanila, kung hindi parang kamag-anak na,” pahayag ni Michael V.

Napapanood si Michael V sa Bubble Gang at Pepito Manaloto.

“Actually, kaya kami running pa rin ngayon ay dahil sa viewers. Kaya naman makakaasa sila na may iba pang mga dadagdag na bisita. Para ‘yun sa kanila e. Sabi ko nga, they inspire us. Sa kanila kami humuhugot ng inspirasyon o idea so masaya ako sa suporta nila sa amin,” patuloy ni Michael V.

Sabi ni Rasonable, patuloy silang magbibigay ng quality shows kay Michael V.

“Makakaasa ang fans niya na tuluy-tuloy lang ang Bubble Gang at Pepito Manaloto since napakalakas nu’n. Then he has another show, it’s a contest but we’ll announce it later pa.” (Nitz Miralles)