LIMA, Peru (AP) — Umakyat na sa 67 ang namatay habang libu-libo ang nagsilikas sa walang-tigil na buhos ng ulan at pagguho ng lupa sa Peru.

Sa pag-apaw ng mga ilog, aabot sa 115,000 tahanan, 117 tulay ang nawasak at maging mga pangunahing kalsada ay naparalisa.

“We are confronting a serious climatic problem,” ayon kay President Pedro Pablo Kuczynski sa isang pahayag. “There hasn’t been an incident of this strength along the coast of Peru since 1998.”

Nitong Huwebes, iniligtas ng National Police ang walong katao na nakulong ng tatlong araw sa Cachipampa at inalis ang bangkay ng isang 88 taong gulang na lalaki na namatay sa baha. Sa La Libertad, mapapanood sa video ang pagragasa ng baha sa mga bus at truck, na ikinamatay ng limang katao.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sa kabuuan, mahigit sa 65,000 katao na malapit sa Huachipa ay hndi makapasok sa trabaho o makabalik sa kanilang bahay.