Casper copy

SUPORTADO ni Beau Casper Smart, dating kasintahan ni Jennifer Lopez, ang affair ni J.Lo sa baseball legend na si Alex Rodriguez.

Tumulong ang aktor at choreographer sa paglulunsad ng bagong Poppables snack chips ng Lay sa pagko-choreograph ng special dance session sa New York City nitong Huwebes.

Nakapanayam siya ng ET tungkol sa “good” post-breakup relationship nila ng On the Floor singer.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“(We’re) friends,” ani Smart, at idinagdag na pareho silang, “nothing but respect and love for each other.”

Inihayag ng 29-anyos na performer na “of course” ay masaya siya sa bagong relasyon ni J.Lo, at ipinaliwanag na, “I want nothing but the best and love (for her).”

Nagdesisyon na maghiwalay ang dalawa noong 2014. Unang pumutok ang mga haka-haka tungkol sa relasyon nila noong 2011. Nagkabalikan sila noong 2015, bago sila muling maghiwalay noong Agosto 2016, at nanatiling magkaibigan simula nang maghiwalay.

Bago tuluyang naghiwalay, nakasama si Smart sa tour ni Lopez bilang choreographer at dancer. Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang karanasan, ibinahagi ni Smart na, “It was tiring but nice to travel around the world in six months, especially with someone you’re with and you get to enjoy it together.”

“The work was a lot and we constantly were fixing and changing and shifting and making the show better, daily. But it was fun,” aniya pa.

Nakatuon ngayon si Smart sa kanyang acting career, at excited na siya maging bahagi ng nalalapit na Dirty Dancing ng ABC, na pabibidahan din nina Abigail Breslin, Colt Prattes, Sarah Hyland, Debra Messing at Katey Sagal.

“I’m proud to be a part of something so iconic and legendary,” saad ni Smart. “I just feel blessed to be a part of it… and have such a good time. All the cast and actors, we got super close. We still keep in contact daily.”

(ET Online)