MARLON AT PIA copy

HINDI maganda ang dating sa netizens na nakabasa sa post ni Pia Wurtzbach para sa girls na nagpapadala ng message sa boyfriend niyang si Marlon Stockinger.

Ipinost kasi ni Marlon sa Instagram ang copy ng Metro Society na cover sila nina Matteo Guidicelli at Ivan Carapiet.

Siguro may mga girls na nag-comment, kaya agad namang nag-post si Pia nito:

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“That’s mine on the left. You girls better know. So stop messaging my boyfriend. I know who you girls are. And I feel so sorry for girls who let this one go. But oh well he’s mine now.”

Hayun na, na-bash na si Pia at may nag-comment na hindi queenly ang ginawa niya para manita ng babaeng nagkaka-crush sa boyfriend niya. May nag-comment pa na kanyang-kanya na si Marlon at walang naghahabol dito.

Nasabihan yata si Pia na marami ang hindi nagkagusto sa ginawa niya, kaya dinelete ang naturang post. Kaya lang, marami na ang nakabasa at sinabihan siyang hindi mapanindigan ang ginawa. (Nitz Miralles)