Gabby-Concepcion-7 copy

HABANG sinusulat namin ito kahapon, may info kaming natanggap na hindi na matutuloy ang bagong pelikulang pagbibidahan sana nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ayon sa aming reliable source, tuluyan nang nag-back out si Gabby sa movie dahil sa demands na hindi maibigay sa kanya. 

Ang unang problema ay ang script na hindi nagustuhan ni Gabby dahil siya na naman daw ang bad guy sa istorya. Gusto raw niyang feel good ang comeback movie nila ni Sharon, lalo na’t 1993 pa ang huli nilang pagtatambal. Matagal daw itong inabangan ng fans nila kaya gusto niya ‘yung masisiyahan naman sila.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

May meeting dapat si Gabby with the scriptwriters pero hindi natuloy kaya inayawan na niya.

Wala namang binanggit ang aming source kung magkano ang hinihinging talent fee ni Gabby, ang alam daw niya ay gusto ni Gabby magkapareho sila ni Sharon ng talent fee sa movie. 

Maging sa isyu na mataas din daw ang gustong talent fee ni Gabby sa guesting niya sa US concert ni Sharon, wala namang nabanggit sa kanya, kaya hindi niya makumpirma kung totoo ngang may concert si Sharon na special guest niya si Gabby na request din daw ng fans nila roon.

Ayon pa sa source, magsasalita si Gabby tungkol sa kanyang side kung kinakailangan, para maliwanagan ang kanilang fans. Nagpapasalamat din si Gabby sa fans nila ni Sharon na patuloy na naghihintay ng comeback movie nila.

Sayang nga lang na wala si Gabby nang bumisita kami sa set ng show nila ni Sunshine Dizon na Ika-6 Na Utos dahil nasa second location sila ni Ryza Cenon, kaya hindi namin siya nakausap. 

In fairness, busy naman talaga ngayon si Gabby dahil bukod sa Ika-6 Na Utos, may sitcom pa siyang ginagawa, ang Tsuperhero plus busy rin siya sa mall shows in Metro Manila and provinces kapag Sunday. (NORA CALDERON)