Vice copy

TINANGGAP naman daw agad ng mga taga-Eat Bulaga na pinadapa ang programa nila ng It’s Showtime last Saturday nang ganapin ang grand finals ng “Tawag ng Tanghalan”.

Pero ayon sa kausap naming staff ng EB, tiyak naman daw na mababawi nila ang pagiging number one ng show nila sa mga darating na episode.

Ilang dekada na rin naman daw ang pamamayagpag nila sa ratings kaya hindi .na sila naaapektuhan sa anumang pang-iintriga ng kalaban.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

So, hindi nakatulong ang paggi-guest ni Nora Aunor na sa It’s Showtime sana aapir dahil ito pa rin ang pinakasikat na produkto ng “Tawag Ng Tanghalan”!

“Huwag na natin sisihin si Ate Guy, basta ang importante sa Eat Bulaga siya nag-guest at sa totoo lang naman, eh, maraming fans ang natuwa sa pagiging sports niya sa paglalaro ng ‘Jackpot En Poy’. Kitang kita rin naman natin na enjoy na enjoy si Ate Guy sa paglalaro,” napatawa pang banggit ng kausap namin.

Tinalo ni Nora sa Ivan Mayrina sa unang round at siya pa rin ang nagwagi sa laban naman nila ni Efren “Bata” Reyes pero pagdating sa jackpot round ay pinataob si Nora ni Alden.

Samantala, hinggil naman sa naging rason ni Nora kung bakit mas pinili niya ang EB kaysa Showtime, na kesyo binastos daw siya ni Vice Ganda, dedma pa rin ang huli. Kaysa patulan ang naturang isyu, mas maraming importanteng bagay pa raw na dapat pag-usapan, huh!

Pero mainit ang intriga na tipong nagamit lang naman daw si Vice dahil ang totoong rason ay ang talent fee diumano na maiuuwi agad ni Nora after ng guesting niya sa araw ding ‘yun, huh! (Jimi Escala)