Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena-Pasig)

3 n.h. -- JRU vs Café France

5 n.h. -- Tanduay vs AMA

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

NAGHIHINTAY ang slots sa Final Four sa Café France at Tanduay sa pakikipagtuos nila sa magkahiwalay na karibal ngayon sa quarterfinal series sa 2017 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kapwa nakuha ng Racal at Cignal-San Beda ang unang dalawang slot sa semifinals.

Tangan ng Bakers at Rhum Masters ang ‘twice-to-beat’ na bentahe sa quarterfinal series.

Mauunang sasalang ang Bakers kontra sa No. 6 seed Jose Rizal University Heavy Bombers ganap na 3 ng hapon kasunod ang Rhum Masters laban sa 5th seed AMA Online Education Titans ganap na 5:00 ng hapon.

Sa kabila nito, ayaw pakampante ni Café France coach Egay Macaraya.

"We will do our best to stay focus," pahayag ni Macaraya, naghahangad na makabawi sa pagkatalo nila sa Heavy Bombers noong elimination round.

Para sa Rhum Masters,sisikapin nilang mapanatili ang intensity ng kanilang laro at huwag isipin na bentahe sa kanila ang pagkawala ni Juami Tiongson sa Titans matapos itong kunin ng NLEX sa PBA. (Marivic Awitan)