HONGKONG (CNN) — Makatutulong ang Vitamin B upang malabanan ang mga epekto ng polusyon sa hangin, ayon sa isang bagong pag-aaral na inilabas nitong Lunes.

Siniyasat ng isang grupo ng international researcher ang pinsalang dulot ng pollutant na may pinakamatinding epekto sa kalusugan: ang PM2.5.

Natuklasan ng grupo na ang araw-araw na pag-inom ng Vitamin B supplement ay makatutulong upang mabawasan ang epekto ng maliliit na particles sa katawan ng tao, ngunit ipinagdiinan na kailangan pa ng mas malalim na pagsusuri.

“These particles are so small they can go into our respiratory system,” sabi ni Chak K. Chan, professor ng Atmospheric Environment sa School of Energy and Environment, City University ng Hong Kong, sa CNN. “They can go deep into our lungs.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa oras na malanghap ang particles, maaari itong magresulta sa pamamaga ng baga at stress, ayon sa mga eksperto.

Lumabas sa pananaliksik na sa apat na linggong pag-inom ng mga kalahok ng B vitamin supplements (binubuo ng 2.5 mg ng folic acid, 50 mg ng B6, at 1 mg ng B12) ay nabawasan ng 28-76% pinsala ng PM2.5 exposure sa kanila.