MAS mahaba na ang araw at mas maaga na rin ang pagsikat ng araw simula ngayong buwan, sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa na bahagi ng Northern Hemisphere.

Kasunod nito ang taunang vernal o spring equinox na magaganap sa Lunes, Marso 20, dakong 6:29 ng gabi (Philippine Standard Time), ayon kay Rex Guerrero, weather observer ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

“The length of day and night will be nearly the same during the equinox and daytime in the Northern Hemisphere will begin lengthening while sunrises here will increasingly occur earlier,” aniya.

Inihayag ni Guerrero na walang magiging epekto sa bansa ang equinox na magaganap ngayong buwan.

Night Owl

Isang pribilehiyong maging bahagi ng 125 taong kasaysayan ng Manila Bulletin

“Equinox is a normal astronomical occurrence,” ani Guerrero.

Ayon sa mga eksperto, direktang sumisikat ang araw sa equator ng Earth tuwing may equinox kaya naman halos pareho lang ang magiging araw at gabi.

Ang equator ang imaginary line na humahati sa Earth sa Northern Hemisphere, kung saan matatagpuan ang Pilipinas, at sa Southern Hemisphere.

Ipinaliwanag ni Guerrero na gagalaw ang araw patungong hilaga sa Northern Hemisphere matapos ang equinox ngayong buwan, na magdudulot sa mga bansang bahagi nito na makaranas ng mas mahabang araw at mas maagang pagsikat ng araw.

Mas hahaba ang araw sa Northern Hemisphere sa pagsapit ng summer solstice sa Hunyo, at magsisimulang umikli matapos nito hanggang sa maging halos kapantay na uli nito ang gabi sa autumnal o fall equinox sa Setyembre at aabot sa minimum na tagal nito sa winter solstice sa Disyembre, paliwanag ni Guerrero.

Aniya, mangyayari uli ang cycle sa pag-tilt ng Earth at pag-ikot nito sa orbit na dahilan ng mga taunang equinox at solstice.

Kabaligtaran naman ang nararanasan ng Southern Hemisphere sa Northern Hemisphere. (PNA)