Mariah, Nick, Morocan at Monroe copy

SINAMAHAN nina Mariah Carey at Nick Canon ang kanilang kambal na sina Monroe at Moroccan sa 2017 Kid’s Choice Awards ng Nickelodeon nitong nakaraang Sabado.

Parehong nakasuot ng stripes sina Mariah at Roe, at may wavy hairdos. Samantala, pareho namang naka-orange outfit sina Nick at Roc.

Bago ginanap ang event, ibinahagi ni Mariah ang kanyang excitement sa kanilang pagdalo sa seremonya at ipinakita ang damit nila ni Roe.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa actual show, nakaupo ang pamilya sa front row at nakita si Mariah na pinapalakpakan ang nanalong si Ellen DeGeneres, na tumanggap ng ilang awards. Kasunod nito, nagtungo sa entablado si Nick para sa dance battle kasama ang host na si John Cena.

Si Nick, 36, ang kasalukuyang chairman ng TeenNick, at nananatiling development at creative consultant ng network simula noong 2009.

Naging bida siya sa ilang Nickelodeon series noong huling bahagi ng 1990s at unang bahagi ng 2000s, kabilang ang All That, Kenan & Kel, at All That spin-off The Nick Cannon Show.

Naghiwalay sina Mariah at Nick noong 2014 at nagdiborsiyo noong Nobyembre, ngunit nanatiling magkasundo sa magkatuwang na pagpapalaki sa kanilang mga anak.

“I think that’ll be something that we’ll always embrace as a family and as our families expand,” saad ni Cannon.

“It’s kinda the norm. It’s all rooted in love, it’s all rooted in positive energy,”dagdag niya. “There’s no hard feelings and ill will. Ultimately, it’s about putting the kids first and making sure they have the best childhood they could possibly have.” (People.com)