MISTULANG araw ng Marvel Comics heroes ang kaganapan kamakailan sa MOA ground sa Pasay City nang rumatsada ang mga runners suot ang mga custume ng paboritong superheroes para sa TV5 Superheroes Run Manila.

Ang dund-raising run ay dinumog ng mahigit 1,000 runners na nakiisa sa layunin na makalikom ng pondo para magamit sa mga programa ng Alagang Kapatid Foundation Inc., ang social development arm ng TV5.

Kasama ang mga anak at kaanak na kabataan, maging ang mga magkakaibigan ang magkakatropa ay nagsama-sama para makiisa sa programa tampok ang 5k, 10k, at 16K division.

Pinangunahan ni TV5 President at CEO, Chot Reyes ang mga opisyal at celebrities na nakiisa sa patakbo. Ang mayuming TV host na si Rizza Diaz ang siyang nanguna sa pagsalubog sa mga kalahok, kasama sina Sports5 head Patricia Bermudez, coach CJ ng Takbo.ph. para sa warm-up exercise.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!