PANSAMANTALANG hindi madadaanan ang ilang kalsada sa Manila bukas para bigyan ng daan ang gaganaping ‘Rising Together Baton Run’ simula sa Malacanang hanggang sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ground sa Manila.

Magsisimula ang tradisyunal na programa bilang bahagi ng paghahanda sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto ganap na 6:00 ng umaga.

“Paalala po sa ating mga commuters at mamang drivers, dahil pansamantalang hindi madadaanan ang ilang kalsada sa Manila para sa Baton Run. Saglit lang naman po ito at humihinge kami ng inyong pang-unawa,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman’s Office Executive Assistant Ronnel Abrenica.

Ang mga kalsadang maapektuhan ay ang J.P Laurel sa Malacanang, San Marcelino, Padre Burgos. TM Kalaw, Pedro Gil, Qurino Avenue at Vito Cruz St.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pangungunahan nina Rio Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz at Paralympics bronse winner Josephine Medina ang Baton Run na inihanda ng OPSC at Ministry of Youth and Sports Malaysia.

Inaasahan din ang pagdalao ng mga miyembro ng Philippine Team, Azkals, Gilas Pilipinas, Olympian joy Tabal at Marestela Torres-Sunang, gayundin ang mga collegiate teams mula sa NCAA, PSC at Office of the President.