Mga laro ngayon

(Araneta Coliseum)

8 n.u. -- UE vs Adamson (m)

10 n.u. -- NU vs UST (m)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

2 n.h. -- UST vs UE (w)

4 n.h. -- Ateneo vs UP (w)

TARGET ng Ateneo de Manila na mapanatili ang pamumuno habang sisikapin naman ng University of the Philippines na makabawi sa karibal sa Part 2 ng ‘Battle of Katipunan’ sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament ngayon sa Araneta Coliseum.

Hawak ang markang 6-1, hangad ng Lady Eagles na maulit ang naitalang panalo kontra Lady Maroons sa unang round ng elimination para mapatatag ang kapit sa ibabaw ng team standings.

Sa kabilang panig, gusto naman ng Lady Maroons na makabawi sa nasabing kabiguan upang makabalik sa winning track buhat sa kinasadlakang three-game losing skid, pinakahuli sa kamay ng National University Lady Bulldogs sa pagtatapos ng first round.

Ganap na 4:00 ng hapon ang muling pagtutuos ng dalawang koponan matapos ang paghaharap ng University of Santo Tomas at University of the East ganap na 2:00 ng hapon.

Matinding tapatan ang inaasahan sa pagitan nina Jia Morado, Kat Tolentino, Michelle Morente, Bea de Leon at Johanna Maraguinot para sa Ateneo at nina Nicole Tiamzon, Arielle Estrańero, Isa Molde,at Diana Carlos para sa UP na kasakukuyang kasalo ng University of Santo Tomas sa Ika-apat na puwesto taglay ang 4-3 marka. (Marivic Awitan)