Erwan at Anne copy

DIRETSAHANG binanggit ni Anne Curtis sa Thanksgiving presscon ng It’s Showtime na hindi makakasama ang lahat ng co-hosts niya sa show sa kasal nila ni Erwan Heusaff.

Wala pang ibinibigay na detalye si Anne tungkol sa pagpapakasal nila ni Erwan. Pero simula nang kumpirmahin niya last December ang engagement nila, marami ang nakapuna na sobrang inspired ang aktres/TV host.

Ani Anne, magsisimula pa lang naman silang magplano ni Erwan sa Abril.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Actually, we’re gonna start planning come the Easter Holidays so that’s the time that we’ll start planning,” sey ng Best Female TV Host ng PMPC Star Awards for TV.

Ayon pa kay Anne, sobra pa sa pamilya ang nabuong samahan o relasyon nilang magkakatrabaho sa It’s Showtime. Hindi nga naman biro ang walong taon nilang pagsasama-sama sa noontime show ng Kapamilya Network na kitang-kita ang suportahan ng bawat isa.

Samantala, aminado ang mga taga-It’s Showtime na ang isa sa mga dahilan kung bakit tuluyan na nilang tinalbugan sa ratings game ang Eat Bulaga ay ang kanilang “Tawag ng Tanghalan “.

Sa viewership survey kasi ng Kantar Media, matagal nang tinatalo nationwide ng It’s Showtime ang Eat Bulaga.

No wonder, sa Lunes ay uumpisahan na kaagad ang “Tawag ng Tanghalan Teens.” (JIMI ESCALA)