PIA AT MARLON copy copy

LAST Wednesday, sa launching ng kanyang bagong endorsement for Downy Parfum Collections, ginulat ng ilang press ang ating Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa tanong kung aware ba siya sa kumakalat na isyung mayroon nang two kids sa previous relationship ang kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.

“I have actually never… Are you sure it’s the same Marlon? There’s a lot of Marlon… I don’t know anything about that,” simple pa ring sagot ni Pia.

Gusto ng dalaga na si Marlon ang sumagot sa tanong, pero absent naman ito sa nasabing event. Gayunman, mas nararapat daw na ito na lang ang kanilang tanungin tungkol sa isyu.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Because if it does turn out not to be true, then the credibility of the media would be… I guess we just have to check the facts first, but I really don’t know,” sagot niya.

September last year isinapubliko nina Pia at Marlon na nasa dating stage sila. Nito namang nakaraang Enero kinumpirma ni Pia na magkasintahan na sila.

Twenty-five years old na rin ang sikat na Filipino-Swiss race car driver na si Marlon. Sa pagkakaalam ng lahat, single siya at wala pang anak.

Kaya may katwiran si Pia na magsabi ng “check your facts” sa nagtanong. Baka nga may naninira at naiinggit sa kanila ni Marlon na pinagpapantasyahan ng karamihan. (Ador Saluta)