Romain at Scarlett copy

NAGSAMPA na ng diborsiyo si Scarlett Johansson laban sa asawang si Romain Dauriac.

Dinala na ng abogado ng Avengers actress na si Judith Poller ang divorce papers sa abogado ni Dauriac na si Harold Mayerson nitong Martes, ayon sa ulat ng Page six.

Ikinasal sina Johansson at Dauriac noong 2014 at may anak na tatlong taong gulang, si Rose Dorothy Dauriac. Ayon kay Mayerson, hindi pa nagkakasundo ang dating mag-asawa kung saan lalaki ang kanilang anak.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“He would like to move to France with his daughter and Ms. Johansson does a lot of traveling,” saad ni Mayerson sa Page Six. “It will be an interesting process.”

Pumutok ang isyu ng hiwalayan nila nang lumabas ang aktres nitong nakaraang Enero na walang suot na singsing, kahit patuloy silang nakikita ng publiko na magkasama.

Nakapanayam ng ET si Johansson noong nakaraang buwan, nang patuloy siyang nanahimik tungkol sa haka-haka sa kanilang hiwalayan – bagamat nagbahagi ito ng kanyang karanasan bilang working mom.

“I don’t profess to know anything about parenting, anything more than anybody else, (but) being a working mom is an incredible challenge, (and) it’s an incredible gift,” aniya. “I think you always feel a little bit of guilt… If you’re at work, you feel like you’re missing out on those special moments with your kid. If you’re with your kid, you feel like you’re not giving enough to your job. It’s a balance.”

“I have a lot of huge admiration for working moms,” dagdag ni Johansson. “I’m barely, barely holding it together.”

(ET Online)