Ed copy copy

NAGIGING matunog na naman ang pangalan ni Ed Sheeran ngayon may bagong album siya, ang ÷ (Divide). Ayon sa ET, tuwang-tuwa ang English pop singer sa reaksiyon ng kanyang mga tagahanga.

“I spent about six hours last night watching YouTube reaction videos,” pag-amin ni Sheeran kay Jennifer Peros ng ET nitong Lunes. “It just makes me smile the whole time.”

Tumatanggap ng magagandang review ang bagong album ng 26-anyos. Tampok sa naturang album ang malulungkot na awitin sa kabila ng maganda at positibong buhay ng artist. Ipinaliwanag din ni Sheeran ang proseso ng kanyang pagsusulat at kung bakit tumatatak ang kanyang musika sa puso ng mga tao.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“I’ve always made my albums on the road. The road isn’t always happy. It’s not the most stable place for a relationship or a life,” aniya. “There are some dark, dark moments on the album. My life isn’t like that now. Those songs were basically written a while back and I felt they should be on the album, because you can’t just have an album that’s all positive. It has to have light and shade.”

Sa ngayon, isa sa pinakamagandang bahagi ng kanyang buhay ang girlfriend niyang si Cherry Seaborn, na kilala na niya simula pagkabata. Sinabi rin ni Sheeran kay Peros na nakatulong na matagal na niyang kilala si Seaborn, simula noong 11-anyos pa lamang siya, sa pagkakaroon niiya ng maayos na perspektibo sa buhay at sa pagkamit niya ngayon ng kasikatan at tagumpay.

“I think it’s cool,” ani Sheeran. “You don’t get away with a lot, because she can call you out on anything.”

Sa tagumpay ng kanyang pinakabagong album, punumpuno ng pangako ang hinaharap ni Sheeran, at inihayag na sa darating na 10 hanggang 15 taon siya’y “would love to still be making music.”

“I’d love to still be touring,” aniya. “I want to be doing this for the rest of my life.” (ET Online)