ITATAMPOK si Kathryn Bernardobilang Choice Artist ng Cinema One para sa buong buwan ng Marso na nagsimula na kahapon (Linggo, Marso 5) kabilang ang inaabangang cable TV premiere ng box office movie nila ni Daniel Padilla na Barcelona:

A Love Untold sa Marso 12, 8 PM.

Tampok sa Barcelona ang kwento ni Mia (Kathryn) na nais maituwid ang mga pagkakamali at patunayan ang sarili sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran sa Spain, at makikilala si Ely (Daniel Padilla), isang binatang hindi pa rin makalimutan ang nakaraang pag-ibig.

Panoorin ang pinakahihintay na cable TV premiere sa Marso 12, 8 PM.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Bahagi ang Barcelona TV premiere sa Blockbuster Sundays ng Cinema One na ipapalabas din ang iba pang kinagiliwang mga pelikula tulad ng How To Be Yours (Marso 5) nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, Take Me Home(Marso 19) ni Mario Maurer, at My Rebound Girl (Marso 26) nina Alex Gonzaga at Joseph Marco.

Samantala, mapapanood ang iba pang mga kilig movie ni Kathryn sa Romance Central tuwing Linggo, 6 PM.

Mapapanood ang nakakakilig at nakakaiyak na She’s Dating The Gangster sa Marso 12. Mapapanood din si Kathryn bilang rebeldeng si Jackie sa Crazy Beautiful You sa Marso 19. At may replay ang Barcelona: A Love Untold sa mismong kaarawan ni Kathryn sa Marso 26.

Ang isa pang birthday celebrant na magbibigay saya ngayong buwan ay si Vice Ganda handog ang kanyang comedy films na The Unkabogable Praybeyt Benjamin sa Marso 7, The Amazing Praybeyt Benjamin sa Marso 14, Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa Marso 21, at Beauty and the Bestie sa Marso 28.

Ang Cinema One ay nasa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37 and Digital 57. Para sa buong skedyul ng mga pelikula ng Cinema One, i-like ang Cinema1channel sa Facebook (facebook.com/Cinema1channel).