NATATAPOS ba sa pagluluwal sa bata ang tungkulin ng isang ina?
Isang madamdaming kuwento ng isang inang ibinenta ang anak sa sariling ama ang gagampanan ni Jodi Sta. Maria sa kanyang pagbabalik sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.
Lumaki si Marie (Jodi) na kinagisnan ang amang nagtutulak ng droga at inang pinagbubuhatan siya ng kamay. Inakala niyang maaayos ang kanyang buhay sa piling ng isang lalaki kaya lumayas siya sa poder ng ina at nakisama sa binata.
Sa kasamaang palad ay mas masahol pa pala ang sasapitin niya dahil mismong ang kasintahan niya ang gumahasa at lumapastangan sa kanyang pagkababae.
Wala nang ibang masasandalan si Marie kundi ang anak at ang inang si Linda (Maureen Mauricio). Para maitawid ang pangangailangan ng pamilya, papayag si Marie na iluwal ang isang sanggol kapalit ng perang ibibigay sa kanya ng ama nito.
Papayag kaya si Marie na tuluyang mawalay sa kanya ang anak?
Makakasama rin sa upcoming episode sina Raymond Bagatsing, Ahron Villena, at Lara Morena. Ang episode ay mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Banayos at sa direksiyon ni Dado Lumibao. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asia, Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).
Panoorin nang libre ang latest episodes nitosaiwantv.com.phoskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.