July 21, 2026

Home BALITA Politics

Kiko Barzaga, ieendorso ermat niya para sa special election sa Dasma!

Kiko Barzaga, ieendorso ermat niya para sa special election sa Dasma!
Photo courtesy: Kiko Barzaga/FB

Nagpahayag ng pagsuporta si dating Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga sa kaniyang inang si Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga hinggil sa usapin ng kandidatura para sa special elections na gagawin sa kanilang distrito.

Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 17, 2026, iginiit niyang nakahanda siyang iendorso ang kaniyang ina.

“I will endorse Mayor Jenny Barzaga for the Dasmariñas, Cavite Special Elections!” saad ni Barzaga.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang malinaw na kumpirmasyon kung maghahain ng certificate of candidacy (COC) si Mayor Jenny para sa naturang eleksyon sa Agosto 29. 

Sa kasalukuyan, apat na kandidato pa lamang ang opisyal nang naghain ng COC magmula nang magbukas ito noong Hulyo 15 at nakatakdang magtapos nitong Biyernes.

Politics

Utol ni Sen. Alan, bet makipagtulungan kay Sen. Ping tungkol sa 'ghost project' sa Taguig!

Bagama’t maaari pa rin siyang muling tumakbo para sa special election, nilinaw ni Kiko na magbabakasyon na lamang daw siya kaysa muling tumakbo.

“Tatakbo ako sa Special Elections, tapos dadayain lang naman ako! Sayang pera lang, magbabakasyon nalang ako kasama eababs habang binabagsak ng gobyerno ang Pilipinas!” ani Barzaga. 

KAUGNAY NA BALITA: Kiko Barzaga, mas bet magbakasyon kasama ‘eababs’ kaysa tumakbo sa special election!

Noong Hunyo 2 nang tuluyang na-expel sa Kamara si Barzaga matapos itong pagbotohan ng kapwa mga kongresista at nakakuha ng 265-14-8 na boto. 

Si Barzaga, na unang naupo bilang kongresista noong Hunyo 30, 2025 sa pagsisimula ng 20th Congress, ay nagsilbi nang halos 11 buwan bago tuluyang mapatalsik sa puwesto. 

KAUGNAY NA BALITA: Sa botong 265-14-8: Kiko Barzaga, tuluyan nang sinipa sa Kamara!  

Ang ikaapat na distrito ng Cavite ay minsan nang kinatawan ng ama ni Kiko mula 2010 hanggang 2016 at 2019 hanggang sa pumanaw siya noong 2024.