one copy

HINDI naitago ni Filipino fighter Rabin “The Rock” Catalan ang pagkadismaya sa kabiguang natamo sa kanyang debut sa international mixed martial arts (MMA).

Kabiguan ang natamo ng 30-anyos mula sa Iloilo City sa kanyang debut via second-round technical knockout kontra sa beteranong karibal na si Joshua Pacio ng Team Lakay noong Abril.

Sa kanyang edad at masaklap na simula ng MMA career, tinangka niyang talikuran ang sports, subalit malakas ang hatak nang kanyang mga kaibigan at kasangga sa Mindanao Ultimate Mixed Martial Arts (MUMMA).

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Matapos ang 10 buwang pamamahinga, balik aksiyon si Catalan tangan ang bagong inspirasyon at panuntunan sa buhay MMA.

“They are always there for me. My teammates uplifted me when I was down and out. I’ve found a family in my comrades,” pahayag ni Catalan. “Now, I am inspired to go back inside the cage and put on a great performance.”

Natatangi ang pagbabalik-aksiyon ni Catalan na mapapalaban kay Thai standout Pongsiri “Punhod” Mitsatit sa undercard ng ONE: WARRIOR KINGDOM na gaganapin sa 12,000-capacity Impact Arena sa Bangkok, Thailand sa Marso 11.

Tangan ng pambato ng Chiang Mai, Thailand ang 7-0 marka, tampok ang limang knockout kung kaya’t malaking hamon kay Catalan ang Thai superstar.

Iginiit niyang nasa tamang kondisyon ang kanyang pangangatawan, gayundin ang kaisipan na hinubog at sinanay sa matiyagang programa ng kanyang mga kasangga.

“With the help of my teammates, I had a great training camp. They made sure that I am prepared in both stand-up and grappling aspects of the fight. I can really say that I am in awesome shape,” aniya.

“My team gives me so much confidence, heading into this bout. I am hungry to win this fight, and I want to get this win for them,” sambit ni Catalan.

Tampok na sagupaaan sa ONE: WARRIOR KINGDOM ang duwelo nina ONE Women’s Atomweight World Champion Angela Lee at top contender Jenny Huang.