Main cast ng 'The-Better-Half' copy

DAHIL sa reklamo ni Mocha Uson ay lalong umingay at mas pinapanood ang The Better Half na pinagbibidahan ni Shaina Magdayao.

Kuwento ng isa sa mga namamahala ng nasabing serye sa amin, mas naging interesado ang televiewers na subaybayan ang serye mula nang inireklamo ito ni Mocha.

Kaya sa halip na magalit ay natutuwa pa raw sila ngayon sa bagong board member ng MTRCB.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Binanggit din sa amin na nakipag-usap na ang mga namamahala ng show sa MTRCB. Pinayuhan daw sila ng mga nakaharap nila sa MTRCB na dapat silang mag-ingat sa mga susunod na gagawin nilang maseselang eksena.

May mga bagay-bagay din daw na napag-usapan at napagkasunduan ang magkapanig pero pang-off the record daw ang mga ‘yun.

Napailing lang ang source nang itanong namin ang reaksiyon ni Mocha nang makaharap ang mga staff ng The Better Half.

Hindi naman daw humarap sa kanila si Mocha at napag-alaman pa nilang hindi raw pala kasama si Mocha sa adjudication committee na may karapatang mag-imbestiga sa mga ganoong klaseng reklamo.

Ang ikinaloka ng kausap namin ay nalaman daw nilang absent pala si Mocha. May naglakas-loob naman daw na nagtanong sa mga kaharap nilang board members kung bakit absent ang baguhang board member.

“Well, bukod sa hindi siya kasama sa committee na ito, eh, madalas ding hindi pumapasok ‘yan. Siguro sa pagkatanda naming, eh, mga walong beses pa lang siyang pumasok sa buwan ng February,” sabi raw ng kausap nila.

Kaya naman pala hindi personal na ipinarating ni Mocha ang naturang reklamo niya dahil hindi rin pala siya uma-attend sa board meeting na ipinatawag ng bagong chairman na si Ms. Rachel Arenas.

“Kaya hayun sa social media niya ipinadaan ang reklamo niya,” sey ng kausap namin.

Mahigit sixty thousand pesos ang suweldo ni Mocha pero walong araw lang niyang pinagtatrabahuan?

Sana magkaroon din ng pagkakataon si Pres. Duterte na bulagain ang opisina ng MTRCB para malaman niya kung sino sa mga itinalaga niya sa naturang opisina ang tumutupad sa kanilang obligasyon, huh! (JIMI ESCALA)