MAINE AT ALDEN copy

NAGPASALAMAT agad sina Alden Richards at Maine Mendoza at ang GMA Network pagkatapos ng world premiere airing ng Destined To Be Yours nitong Lunes. Nag-trending ito sa social media, nationwide at worldwide. Sa worldwide nasa 4th spot sila with 2.01m tweets. Sa nationwide, a total of 6.6 million tweets; 3.9 million naman sa hashtag na #DestinedToBeYoursWorldPremiere at 2.7 million sa tagline na DTBYWorldPremiere.

Maging ang kapwa Kapuso stars ay nanood ng pilot telecast, kabilang na ang mag-sweetheart na sina Mark Herras at Winwyn Marquez. May cameo role si Mark sa Destined To Be Yours as Eboy, ang high school boyfriend ni Sinag (Maine) na nang-iwan sa kanya kaya ayaw na niyang maniwala sa destiny at forever. 

Nag-post si Wyn sa Twitter ng: ”Watching DTBY with pangga (Mark). Sinag, pasensiya na kay Eboy, sa akin kasi siya papunta nu’ng nag-tricyle siya palayo. Nandyan naman si Benjie.”; “Eh sorry Sinag, ako kasi ‘yung destiny ni Eboy. Konti na lang makakasama mo na ‘yong sa ‘yo, si Alden, este ‘yung little boy kanina. Congrats sa inyo ni Alden at sa buong DTBY team.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sinagot ito ni Maine ng, “Ayun na nga!”

Bumati rin si Benjamin Alves: “Congrats in advance @mainedcm @aldenrichards02 and to the whole team! We’ve all waiting for this.”

May hugot naman ang tweet ni Pasig Councilor Vico Sotto: “Dalawang teleserye na nga lang ang interesting para sa ‘kin, magkatapat pa #MDHMagkalaban #DestinedToBe YoursWorldPremiere.”

Ang katapat na sinasabi ni Vico ay ang My Dear Heart ng Dos na kasama naman sa cast ang kanyang mommy na si Coney Reyes.

Magaganda rin ang comments ng netizens, tulad ng isang taga-Missouri, USA: “It was beyond my expectations esp Maine’s acting. Hindi siya kinulang, sa halip nasabayan niya ang acting ng mga veterans. That scene with Gardo (Versoza) outside the house made the neyshen cry. Ang ganda ng flow ng story, fast paced, hindi boring like those TS that takes days for the story to evolve. Maine is the new Maricel Soriano in my opinion. So proud of her. Lahat po ng actors ang galing even the cameos. Alden said he rusted in his acting, well I did not notice it. He is very good as always.”

Sinusubaybayan ang Destined To Be Yours gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7. (NORA CALDERON)