IMG_9219 copy copy

UMABOT na sa 52,634 ang view sa video na nagsalo sa taho ang magka-love team na sina Barbie Forteza at Ken Chan ng Meant To Be.

Naka-post ang video sa Instagram ni Ken at hindi puwedeng sabihing inuulit-ulit lang mag-like at mag-view ang kanilang fans dahil once lang counted ang pag-klik ng view button.

Ibig sabihin, ganu’n karami ang fans ng dalawa na kung tawagin ang sarili ay Team Asukal o KenBie. Ganu’n karami ang kinikilig sa tambalan ng dalawa na napapanood sa primetime slot ng GMA-7.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Lalo pang kinilig ang nakaalam ng kuwento sa likod ng pagsasalo ng dalawa sa taho. Papunta sila sa taping ng rom-com series at habang nasa daan, bumili ng taho at ginamit ang mug at kutsara ni Barbie.

Naki-share si Ken at habang kumakain, sinubuan si Barbie. Nag-double ang kilig ng fans dahil nagkaroon daw ng indirect kiss ang dalawa. Ginamit na nga naman ni Ken ang kutsara bago subuan si Barbie.

Anyway, mahaba-haba pa ang itatakbo ng Meant To Be at hindi pa nga yata alam ng scriptwriters kung sino ang makakatuluyan ng karakter ni Barbie na si Billie – kung si Ken na nga ba o sina Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto.

Pero ang fans ng apat na boys, nag-aaway-away na kung sino ang karapat-dapat kay Barbie. Ang cute lang, may kasamang kilig ang bangayan nila online. (Nitz Miralles)