DELRAY BEACH, Fla. (AP) — Nagtamo ng injury sa kanang hita si top-seeded Milos Raonic dahilan para mag-withdrew sa championship match kontra John Sock sa Delray Beach Open nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nanakit ang kanang hita ni Raonic matapos ang pahirapang panalo kontra Juan Martin del Potro sa semifinals nitong Sabado.

Inakala ng 26-anyos na Canadian na makukuha sa hilot ang injury, subalit nagdesisyon ang kanyang kampo na umatras na lamang sa laban matapos magpatuloy ang nadaramang pananakit.

Tangan ni Sock ang 11-1 karta ngayon season. Ang tanging kabiguan niya ay laban kay Jo-Wilfried Tsonga sa ikatlong round ng Australian Open.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tanging si Roger Federer, nagwagi sa Astralian Open, ang bukod tangi sa mga player na may pinakamataas na porsiyento sa panalo. Ginabayan din niya ang U.S. team sa Davis Cup quarterfinals nang gapiin ang Switzerland.

“This is disappointing in a lot of ways,” sambit ni Raonic.

I’ve been unfortunate with suffering injuries in three tournaments in a row. Being one match away from a title and not being able to compete, that’s not easy to accept,” aniya.

Sa doubles final, nagwagi ang tambalan nina second-seeded South African Raven Klaasen at American Rajeev Ram kontra third-seeded Treat Huey ng Pilipinas at Belarusian Max Mirnyi, 6-3, 3-6 at 10-1 sa ‘super tiebreaker’. Ito ang ikaapat na ATP title ng magkasangga mula noong 2015.