MARIAN ZIA AT DINGDONG copy

NAKASUOT ng Barong Tagalog si Dingdong Dantes sa last taping day ng Alyas Robin Hood at sinabi sa interview ni Lhar Santiago na umere sa 24 Oras na clue ang kanyang suot sa magiging ending ng karakter niya sa action series.

Hindi nga lang nag-elaborate si Dingdong, kaya bitin pa rin ang viewers kung ano na nga ang mangyayari kay Pepe sa pagwawakas ng Alyas Robin Hood. Hindi rin niya binanggit kung sino kina Sarri (Megan Young) at Venus (Andrea Torres) ang kanyang makakatuluyan.

Sa episode last Monday, nagparaya si Venus, lumayo kay Pepe para hindi na raw ito mahirapang mamili sa kanila ni Sarri. Hindi na nalaman ni Sarri na siya ang pinili ni Pepe.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Anyway, masaya si Dingdong at ang buong team sa pagwawakas ng Alyas Robin Hood dahil simula pilot hanggang sa last week ng airing, mataas ang ratings ng show at hindi nagbabago ang positive feedback ng viewers.

Samantala, sinabi rin ni Dingdong na ngayong tapos na ang Alyas Robin Hood ay siya naman ang nakatoka para mag-alaga sa anak nila ni Marian Rivera na si Zia.

“Ayaw kasi naming maiiwang mag-isa sa bahay si Zia na yaya lang ang kasama. Ang usapan naman ni Marian, kailangang isa sa amin ang kasama ni Zia dahil kawawa naman siyang naiiwang mag-isa. Si Marian naman ang magiging busy mag-taping, kaya ako muna ang makakasama ni Zia,” sabi ni Dingdong.

Hindi problema ang taping ng Case Solved, ang documentary series na kanyang hino-host at napapanood every Saturday after Eat Bulaga dahil hindi three days ang taping nila. Saka sa isang araw na taping, dalawang episodes ang tinatapos ni Dingdong, kaya magaan ito sa kanyang schedule.

Masaya rin ang production ng Case Solved dahil nag-top trending agad sa Twitter ang pilot episode nila last Satursay.

Natutuwa ang netizens sa tema ng docu series. (NITZ MIRALLES)