MULING pinili ng mga mag-aaral ng 31 unibersidad sa Central Luzon ang ABS-CBN bilang Best National TV Station sa ikaapat na pagkakataon sa Paragala Central Luzon Media Awards.
Binubuo ng 31 participating schools sa Region III ang Paragala Central Luzon Media Awards na kumikilala sa mga natatanging programa at personalidad sa bansa na ibinoto ng mga mag-aaral sa naturang rehiyon. Ngayong taon, nakalikom ito ng 30,000 boto mula sa mga kalahok na unibersidad sa Central Luzon.
Nag-uwi ang ABS-CBN ng 10 parangal para sa iba’t ibang Kapamilya news and entertainment programs at mga personalidad nito.
Ginawaran ang ABS-CBN News ng Best Male Field Reporter (Atom Araullo), Best Female News Anchor (Karen Davila), at ang una nitong Paragala Merit Award for a Cultural Show para sa “Bida Kapampangan” ng ABS-CBN Regional.
Nanguna rin ang Kapamilya programs sa panlasa ng Central Luzon students kaya itinanghal na Best Teleserye ang FPJ’s Ang Probinsyano, Best Musical Variety Show ang ASAP, at Best Game Show ang Family Feud.
Pinatuyan naman ng Kapamilya stars na sila ang nagsisilbing inspirasyon sa kabataan sa Central Luzon nang parangalan si Coco Martin bilang Best Television Actor, si Liza Soberano bilang Best Television Actress, at si Anne Curtis naman bilang Female Personality of the Year.