SA halip mawala sa WBC ranking sa pagkatalo sa kampeong si Wanheng Menayothin sa hometown decision sa Phitsanulok, Thailand nitong Enero 25, mula sa pagiging ranked No. 9 ay umangat bilang No. 3 contender si Melvin Jerusalem.

Kaagad nagkainteres ang South African promoter na si Rodney Berman kaya ikakasa niya si Jerusalem kay IBO minimumweight champion Simphiwe Khonco sa Mayo 23 sa Emperors Palace sa Kempton Park, South Africa.

Dapat na makakalaban ni Khonco si WBO strawweight titleholder Katsunari Takayama ng Japan pero umatras ang Hapones dahil sa masamang karanasan sa paglaban sa South Africa na mahirap manalo maliban kung mapatutulog ang hometown boy.

Ngunit, hindi natatakot ang 22-anyos na si Jerusalem sa pagkakataong maging IBO champion at pag-angat pa sa world ranking lalo’t nakalista rin si Khonco na No. 3 sa WBA, No. 9 sa WBC at No. 13 sa IBF sa strawweight division.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

May rekord si Jerusalem na 11-1-0, tampok ang pitong knockout samantalang may kartada si Khonco na 17-5-0.

“A win for Khonco and he must be a contender for the WBC crown,” sabi ni Berman sa BoxingScene.com hinggil sa pag-angat ni Jerusalem sa WBC rankings kasunod nina Mexicans Saul Juarez at Leroy Estrada. “A win for Jerusalem further enhances his stature. Irrespective of whose hand is ultimately raised in victory, we have a contest between two excellent fighters.” (Gilbert Espeña)