IBINUNYAG ni Nicole Kidman na dating siyang engage sa musikero na si Lenny Kravitz.

Kinumpirma ni Nicole ang tungkol sa engagement nila ng rocker sa panayam kamakailan sa The Edit, magazine ng Net-A-Porter, nang talakayin niya ang kanyang nalalapit na HBO series na Big Little Lies. Sinabi ni Kidman na kilala na niya ang kanyang co-star na si Zoe Kravitz dahil dati siyang engage sa ama nito.

Nakarelasyon ni Nicole si Kravitz pagkaraan ng hiwalayan nila ni Tom Cruise noong 2001. Hindi niya ibinahagi noon ang tungkol sa engagement, bagamat naikukuwento niya na may pumalpak siyang engagement noong 2007 sa dati niyang karelasyon na hindi niya pinangalanan. Kasal si Nicole ngayon sa country singer na si Keith Urban.

Sa panayam ng The Edit, inihayag ni Nicole na “it’s all in the family” nang pag-usapan ang tungkol sa pakikipagtrabaho kay Zoe Kravitz at sinabi na “great guy” si Lenny. (AP)

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?