NAISALBA ng Far Eastern University-Diliman ang matikas na ratsada ng Ateneo para sa manipis na 74-72 panalo at angkinin ang ikalawang final berth sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament nitong Biyernes sa San Juan Arena.

Isinalansan ni Jack Gloria ang 14 puntos, kabilang ang anim sa payoff period para pangunahan ang Baby Tamaraws.

Makakaharap ng FEU-Diliman ang defending champion National University sa best-of-three title series simula sa Martes.

Ito ang unang pagkakataon na nakabalik ang Baby Tamaraws sa kampeonato makalipas ang limang taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Ang galing ng mga players ko. Hindi sila bumigay,” ayon kay FEU-Diliman coach Allan Albano.

Nagtapos na topscorer para sa Baby Tams si Louell Gonzales na may 22 puntos habang nag- ambag si Kenji Roman ng 14 puntos.

Sa panig naman ng nabigong Blue Eaglets, nanguna ang 6-foot-11 rookie na si Kai Sotto na umiskor ng kanyang personal best na 16 puntos, kapantay ni Jason Credo. (Marivic Awitan)