Naaresto na ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Station ang dalawang utak ng sindikato na kung tawagin ay ‘‘rent tangay’’ at nabawi sa kanila ang 19 na sasakyan sa follow up operation sa Laguna at Cavite.

Sa nasabing modus, nirerentahan ang iba’t ibang klase ng sasakyan ngunit hindi na ito ibinabalik.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law ang mga suspek na kinilalang sina Rafaela Anunciacion at Jhennelyn Berroya na ang main office ay sa EM Arcade, National Highway, Barangay San Pedro, Laguna.

Sa report ni Police Chief Inspector Rhoderick Juan, head ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), nitong Pebrero 10 at 11 ay siyam na Sedan at isang sports utility vehicle (SUV) ang kanilang narekober sa Cavite at Laguna, habang anim na Toyota Vios at isang Toyota Fortuner ang kanilang nabawi nitong Martes.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Nasa pag-iingat na ng Valenzuela Police ang mga narekober na sasakyan. (Orly L. Barcala)