KOREEN copy copy

TUWANG-TUWA si Koreen Medina na napasama siya sa cast ng Destined To Be Yours. Ito ang first teleserye niya, at pang-primetime pa, maganda ang kanyang role, at gabi-gabi siyang mapapanood sa GMA-7.

Ginagampanan niya ang role ni Marjorie, anak ni Ronnie Henares na magkakagusto kay Alden Richards.

Hindi makapaniwala noong una si Koreen na makakatrabaho niya sina Alden, Maine Mendoza at iba pang cast. Na-starstruck siya sa taping dahil hindi niya ini-expect na makasama ang magagaling at malalaking artista.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Nakakatuwa sila, parang normal na mga tao lang sila sa taping. Kung iisipin mo, big stars sila at hindi pa ako artista pinapanood ko lang sila sa TV at pelikula, ‘tapos ngayon, kasama ko na. I’m honored to be working with them and also with director Irene Villamor,” wika ni Koreen.

Nag-audition at pumasa sa audition si Koreen at sa sobrang tuwa, napaiyak siya. Ang feeling niya, simula na ang Destined To Be Yours para matupad ang dream niyang maging artista.

“I promise myself na gagalingan ko ang trabaho ko para matuwa ang mga nagtiwala sa akin na isama ako sa Destined To Be Yours. I’m super excited sa pilot sa February 27 (after Encantadia). Excited na ako na mapanood ang full trailer kanina at parang I can’t wait for the pilot,” patuloy ni Koreen.

Ikinatutuwa rin ni Koreen na masaya sila sa taping ng Destined To Be Yours. Para silang isang pamilya na sabay-sabay kumakain at dahil walang signal sa location, in between takes, kuwentuhan sila nang kuwentuhan.

“Magkasama kami sa tent nina Maine at Sheena (Halili). Kuwentuhan lang kami ‘pag walang take at ang dami naming napagkukuwentuhan, usually, girls talk. Masaya silang kakuwentuhan” pagtatapos ng pretty newcomer.